Patakaran sa Privacy
Huling update: 2026-11-29. Saklaw ng patakarang ito ang True Bearing app para sa iOS, Android at Windows, na ibinibigay ng MarineDesk.
Mga datos na kinokolekta namin
Wala. Walang account, analytics, advertising o tracking ang app, at hindi ito kumokonekta sa internet para gumana.
Lokasyon
Kapag pinindot mo ang GPS, hihingi ng pahintulot ang app at babasahin nang isang beses ang posisyon mo mula sa device para punan ang latitude at longitude. Ginagamit lang ang posisyon sa device mo para sa kalkulasyon at hindi ito ipinapadala kahit saan. Maaari mo ring ilagay nang mano-mano ang posisyon.
Mga datos na nasa device mo
Sa device mo lang nakatago ang iyong settings, huling posisyon at compass error log. Mabubura ang mga ito kapag binura ang app o nilinis ang log. Ang CSV export ay nase-save lang kung saan mo pinili.
Mga bata
Hindi para sa mga bata ang app at wala itong kinokolektang personal na datos mula kaninuman.
Mga pagbabago
Kapag nagbago ang patakarang ito, ilalathala ang bagong bersyon sa pahinang ito na may bagong petsa.
Makipag-ugnayan
Mga tanong: admin@marinedeskapp.com